IKINALUGOD | OSG, nagbubunyi sa tuluyang pagkakasibak kay Sereno

331

Manila, Philippines – Ikinalugod ni Solicitor General Jose Calida ang tuluyang pagsibak ng mga mahistrado kay Atty. Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Calida, maituturing itong malaking tagumpay sa hustisya.


Patunay din aniya ito na walang sino man ang exempted sa batas maging ang Chief Justice.

Nagsimula na rin ngayong araw ang itinakdang 90-araw ng Korte Suprema para mapunan ang nabakanteng pwesto ng punong mahistrado.

Inatasan na rin ng Kataas Taasang Hukuman ang Judicial and Bar Council na madaliin ang proseso ng nominasyon at aplikasyon ng mga nagnanais na maging susunod na punong mahistrado.

Facebook Comments