IKINALUGOD | Ruling ng Korte Suprema sa Precautionary Hold Departure Order welcome sa DOJ

Manila, Philippines – Welcome kay Justice Secretary Menardo Guevarra ang pinalabas ng Supreme Court (SC) na ruling sa pagpapalabas ng Precautionary Hold Departure Order (PHDO) laban sa mga akusado sa kasong kriminal para hindi makalabas ng bansa.

Ayon kay Guevarra, ikinalulugod nila na nauunawaan ng Korte Suprema ang hamon na dinadaanan ng DOJ sa pagpapatupad ng Watch List Orders (WLOs) at Hold Departure Orders (HDOs) kaya malaking tulong sa kanila ang ruling ng Kataas-Taasang Hukuman.

Malaking tulong din aniya ito sa mga korte para mapigilan ang paglabas ng bansa ng mga akusado sa mabibigat na kaso tulad ng drug trading, human trafficking, large-scale estafa, at terrorism.


Sa botong 11-1, inaprubahan ng Korte Suprema ang ruling sa PHDO o ang written court order na nag-aatas sa Bureau of Immigration (BI) na pigilang makalabas ng bansa ang mga akusado sa kasong may katapat na parusang pagkakakulong na minimum na anim na taon at isang araw.

Sa nasabing desisyon ng Supreme Court (SC), tiniyak naman ng High Tribunal na hindi makakaapekto.

Ang PHDO sa findings ng probable cause sa preliminary investigations ng criminal complaints sa National Prosecution Service gayundin sa regional at city offices.

Facebook Comments