Manila, Philippines – Ikinalungkot ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) ang pagkamatay ni Employers Confederation of the Philippines President Donald Dee.
Sa isang statement, sinabi ni ALU-TUCP National President Michael Mendoza na bagaman at nagkakaiba sila sa pananaw pagdating sa pasahod, itinuturing nila si Dee bilang isang workers’ advocate.
Naging katuwang din nila ang ECOP president sa mga diskusyon sa pagbalangkas ng mga polisya sa hanay ng paggawa.
Isinulong aniya noon ni Dee ang isang partnership sa gobyerno para sa pagtatayo na sana ng in-city housing para sa mga manggagawa sa urban areas upang hindi na sila bumiyahe pa patungo sa kanilang pook pagawaan.
Gayundin ang panukalang babaan ang presyo ng medisina upang maging abot kaya ang mga health services sa mga manggagawa.
Kinilala rin nila ang pagsisikap ni Dee na maka-impluwensiya sa mga amo na tingnan ang kapakanan ng mga manggagawa.