IKINALUNGKOT | Malacañang – kinondena ang pagpaslang kay Cong. Batocabe

Manila, Philippines – Ikinalungkot ng Malacañang ang pagpaslang kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo – gumugulong na ang imbestigasyon ng mga otoridad at tiniyak nito na gagawin ng pamahalaan ang lahat para mapanagot ang nasa likod ng krimen.

Nakikiisa din aniya ang palasyo sa pagdadalamhati ng mga kasamahan ni Batocabe sa kongreso.


Una nang umani ng batikos mula sa kanyang mga kasamahan sa kongreso ang pagpatay kay Batocabe.

Ayon kay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, malaking kawalan si Batocabe na isa aniyang maaasahang opisyal ng pamahalaan.

Kasabay nito, nanawagan siya sa pulisya na magsagawa ng mabilis at malawakang imbestigasyon sa pananambang.

Nagkaisa din ang mga kongresista, 40 miyembro ng Visayan block at iba pang party-list group na magbigay ng reward money para sa makapagtuturo sa gunman.

Sa ngayon, umabot na sa tatlong milyong piso ang nalikom ng mga kongresista.

Samantala, ipinag-utos na ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr. ang paglalagay sa half-mast ng bandila ng Pilipinas sa gusali ng house of representatives sa Quezon City.

Facebook Comments