IKINALUNGKOT | Pagpapa-alis sa GMA news team sa Panatag Shoal, nakakagalit at nakakabahala – VP Robredo

Manila, Philippines – Ikinalulungkot ni Vice President Leni Robredo ang pagtataboy ng Chinese Coast Guard sa GMA news team na nag-cover sa Panatag Shoal at Baho de Masinloc sa West Philippines Sea.

Sa programang Biserbisyong Leni ng RMN Manila, iginiit ni Robredo na nakababahala at nakakagalit ang ginawa ng China.

Nanindigan si Robredo na hindi pagmamay-ari ng China ang lugar dahil bahagi ito ng exclusive economic zone ng Pilipinas


Aniya, tila pinapaalis ka sa sarili mong bakuran.

Ikinadismaya rin ni Robredo ang tugon ng gobyerno hinggil dito.

Matatandaang pinagbawalan ng Chinese Coast Guard ang GMA news reporter na si Jun Veneracion at kanyang tauhan na magsagawa ng interviews sa mga Pilipinong mangingisda sa lugar.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments