IKINANDADO | 3 tindahan ng Christmas decor, isinara

Tatlong tindahan ng handicraft at mga Christmas decor ang ipinasara ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Tatlong tindahan na pag-aari ni Clarrisa Norma Maoag ang ikinandado sa Suki Market sa Kanlaon Street, Barangay Teresa Quezon City.

Ayon kay Director Marina de Guzman, napatunayan nila na hindi nag-iisyu ng opisyal na resibo ang naturang mga tindahan.


Aniya, malaki ang nawala sa kita ng gobyerno dahil sa hindi tamang deklarasyon sa buwis ng naturang negosyante .

Tatlo pang sangay nito sa Dapitan arcade ang ipapasara.

Facebook Comments