
Iginiit ng Transport group na PISTON na ang kanilang isinagawang pagkilos at tigil pasada ngayong araw ay parte ng kanilang paghahanda para sa malawakang kilos-protesta sa darating na September 21, araw ng Linggo.
Sa panayam ng DZXL RMN, sinabi ni Ka-Mody Floranda na kinausap na niya ang iba pang mga operator para makiisa at ipakita ang pagkontra sa katiwalian at korapsyon sa pamahalaan.
Kabilang sa pagdarausan ay ang Luneta Park sa Maynila at EDSA People’s Power Monument kung saan inaasahan ang nasa 10,000 mga indibidwal ang makikiisa.
Samantala, iginiit rin ng grupo na simula pa lamang itong ginagawa nila para ipanawagan ang problemang kinahaharap ng bayan.
Nabanggit sa kanilang noise barrage ang problema sa taas ng presyo ng produktong petrolyo, korapsyon sa flood control projects, mataas na tax, consolidation, at mataas na presyo ng mga bilihin.
Samantala, mamayang alas-2:30 ng hapon ay sisimulan naman ng grupo ang pagkilos sa Mendiola na susundan ng mga programa.









