Ikinasang transport strike ng grupong PISTON, hindi nakaapekto sa publiko – LTFRB

Manila, Philippines – Hindi naparalisa ng ikinasang transport strike ng PISTON ngayong araw ang transport sektor.

Ayon kay Atty. Aileen Lizada, spokesperson ng LTFRB, batay sa latest update nasa 1,400 na pasahero ang nai-stranded sa Cubao, Commonwealth at Espana Rotonda.

Ang naturang bilang ay nakuha batay sa na-dispatched na pitong bus at labing anim na government vehicles.


Ito ay .011%% lamang ng kabuuang sampung milyong PUJ riders sa NCR.

Ayon naman kay PISTON National President George San Mateo, tagumpay ang kanilang tigil-pasada.

Patunay aniya rito ang ilang mga lugar na kanilang naparalisa ang biyahe.

Itutuloy pa rin nila bukas ang ikalawang araw ng transport strike.

Aniya, hanggat hindi pinapakinggan ni President Duterte ang kahilingan nilang itigil ang planong jeepney phase-out at gawing rehabilitasyon na lamang ang mga lumang jeepney ay magpapatuloy ang kanilang pangangalampag.

Facebook Comments