Ikinasang transport strike sa Iligan City, kinansela

Iligan City, Philippines – Kinansela ng Coalition of Lanao Utility Transport for Change O CLUCTH ang pagsasagawa ng transports strike sa lungsod ng Iligan ngayong araw.

Ito’y dahil sa nagpapatuloy na nangyayaring gulo sa lungsod ng Marawi sa pagitan ng mga teroristang groupo at kasundaluhan kaya’t minarapat ng grupong CLUCTH na huwag nang dagdagan pa ang problema ng mga Iliganon at ng taga-Marawi.

Ayon sa Chairman ng CLUTCH na si Mr. Raul Permites na ikinalulungkot nila ang patuloy na nangyayaring bakbakan ngayon sa Marawi sapagkat marami ng buhay ang nawala at mga sibilyan na nadadamay.


Sinabi ni Permites na mas maiging magbigay nalang sila nang tulong sa mga naging biktima ng kaguluhan kaysa ipagpapatuloy nila ang pagsasagawa ng transports strike ngayong araw.

Pero sa ibang lugar umano lalong lalo na sa Visayas, matutuloy ang pagsasagawa nila ng transports strike.
DZXL558

Facebook Comments