IKINATUWA | Dating kalihim ng DFA, ikinagalak ang ginawang pagkawad ng Order of Sikatuna ni Pangulong Duterte sa kanya

Manila, Philippines – Ikinatuwa ni dating DFA Secretary Allan Peter Cayetano ang ginawang paggawad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng natatanging pagkilala bilang isang Datu na may Katangiang Ginto sa ilalim ng Order of Sikatuna.

Si Cayetano ay isang diplomatiko na naghandog ng bukod tanging serbisyo sa kanyang bansa, sa loob ng isa at kalahating taon nyang pagsisilbi bilang kalihim ng DFA.

Iginawad ni Pangulong Duterte ang parangal dahil sa matagumpay na pagsulong ni Cayetano ng Independent Foreign Policy na siyang nagsilbing daan upang magkaroon ang Pilipinas ng mapayapang pakikiugnay sa ibang bansa.


Ito rin umano angnaging dahilan upang masiguro ang kapayapaan habang pinoprotektahan ang karapatang soberenya ng bansa sa gitna ng sigalot sa agawan ng teritoryo.

Bukod dito, binigyang pugay rin ng pangulo si Cayetano sa kanyang pakikibaka upang maisulong ang karapatang pantao ng mga OFW sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ang karangalang natanggap ng dating kalihim ng DFA ay ang pinakamataas na pagkilala na maaaring igawad ng pangulo ng Pilipinas sa sino mang Pilipinong may bukod-tanging naiambag para sa kapakanan ng bansa.

Facebook Comments