IKINATUWA | DBM Secretary Benjamin Diokno ikinagalak ang pagbaba ng inflation rate sa bansa

Manila, Philippines – Aminado si DBM Secretary Benjamin Diokno na malaking tulong ang pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dahil bumaba ang inflation rate sa bansa.

Sa ginanap na forum sa Samahan sa Plaridel Kapihan sa Manila Hotel sinabi ni Secretary Diokno na bumaba ng 14.1 percent ang inflation rate sa bansa kung saan malaki ang epekto umano nito para bumaba rin ang mga pangunahing bilihin sa merkado.

Bagamat 144 billion pesos ang inaasahan mawawala sa pamahalaan o katumbas ng 12 billion piso kada buwan mawawala sa gobyerno ay mababawi naman aniya ito dahil ang VAT Exempt ng Excise Taxes ay tinaasan gaya ng sa buwis sa sigarilyo, kotse, gasolina at softdrinks.


Paliwanag ni Diokno ang pagtaas ng inflation rate ay mayroon aniyang kaugnayan sa pagtaas ng presyo ng langis sa world market at tumaas din ang bigas sa mga pangunahing palengke kaya at nagkaroon umano ng domino effect.

Dumepensa naman ang kalihim sa usapin ng TRAIN 2 na ipapasa pa sa Kongreso kung aaprubahan ang naturang panukalang batas na ang TRAIN 2 umano ay revenue neutral para maging competitive ang business dahil plano ng gobyerno na babaan corporate income tax ng 25 to 30 percent gaya ng sa Singapore na ang kanilang buwis ay 17 percent lamang.

Giit ni Diokno 20 taon na ang income tax law kaya dapat umanong isaayos para maging patas naman sa mga negosyante.

Facebook Comments