IKINATUWA | Embahada ng Amerika sa Jerusalem, bubuksan na

Jerusalem – Bubuksan na sa buwan ng Mayo ang US Embassy sa Jerusalem.

Ayon sa US State Department, isasabay nila ang pagbubukas sa ika-70 anibersaryo ng Israel.

Pansamantalang ilalagay ang embahada sa gusali kung saan naroroon ang consular operation sa Jerusalem bago ang tuluyang operasyon sa 2019.


Ikinatuwa naman ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu ang hakbang ng US at sinabing ito ang pinakamasayang araw ng Israel.

Facebook Comments