IKINATUWA | Hindi paggalaw ng inflation rate nitong Oktubre, good news para sa Malacañang

Manila, Philippines – Bagama’t mataas pa rin, itinuturing na good news ng Malacañang ang hindi paggalaw ng inflation rate nitong Oktubre sa 6.7 percent.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo – ibig sabihin nito, epektibo ang mga hakbang na ginawa ng gobyerno para mapigilan ang lalong pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Matatandaang buwan ng Setyembre nang ipag-utos ni Pangulong Duterte ang pag-alis sa mga administrative constraints at non-tariff barriers sa pag-aangkat ng mga agricultural product.


Umaasa naman ang Malacañang na bababa na ang inflation rate sa mga susunod na buwan.

Sa datos ng Philippine Statistic Authority (PSA) – naitala ang mabilis na pagtaas ng halaga sa singil sa tubig, kuryente, gasolina, pamasahe at mga household equipment.

Habang mabagal naman ang pagtaas sa presyo ng pagkain, non-acoholic at alcoholic beverages at tobako.

Bicol region pa rin ang may pinakamabilis na pagtaas ng inflation sa 9.9 percent habang pinakamabagal ang Central Luzon sa 4.4 percent.

Facebook Comments