Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Palasyo ng Malacañang ang pagtaas ng Gross Domestic Product o GDP ng Pilipinas.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, kung ikukumpara sa kaparehong buwan noong nakaraang taon kung saan naitala ang 6.5% Growth ay mas mabilis ngayon ang paglago ng ekonomiya sa 6.8%.
Sinabi ni Roque na tiwala sila na ang economic momentum ng bansa ay magtutuloy-tuloy lang sa tulong ng pagpapatupad ng tax reform for acceleration and inclution o Train Law.
Ibinida din ni Roque na mas mapasisigla pa ang ekonomiya ng bansa dahil sa build-build-build program ng Administrasyong Duterte na siyang magbibigay ng maraming trabaho sa mga Pilipino at pera na iikot sa ekonomiya.
Nabatid na batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority ay nanguna sa mga nagpasigla ng ekonomiya ng bansa ay ang manufacturing industry, trade at ang services sector.