IKINATUWA | Mas malaking representasyon ng mga magsasaka sa PCA board, isinulong

Manila, Philippines – Ikinatuwa ni Committee on Agriculture Chairperson Senator Cynthia Villar ang paglusot sa ikalawang pagbasa ng panukalang nagbibigay ng mas malaking representasyon sa coconut farmers sa samahang naatasang mangasiwa sa P105-billion coconut levy funds.

Ito ay ang Senate Bill 1976 o ang Strengthened Philippine Coconut Authority o PCA Law.

Binabago nito ang Presidential Decree 1468 o ang Revised Coconut Industry Code of 1978 at inilalagay ang anim na kinatawan mula sa sektor ng coconut farmer sa PCA Board na may 11 miyembro.


Base sa panukala, dalawa sa anim na mga magsasakang ito ay magmumula sa Luzon, ang dalawa pa ay sa Visayas at dalawa din mula sa Mindanao.

Giit ni Villar, kapag naisabatas ang panukala ay garantisadong maisusulong sa PCA board ang interes ng P3.5 milyong mga magsasaka ng niyog.

Facebook Comments