IKINATUWA | Mga dating beauty queens, nagpaabot ng pagbati kay Catriona Gray

Nagpa-abot ng pagbati at ikinatuwa na rin ng mga former beauty queens ang naging panalo ni Reigning Miss Universe Catriona Gray.

Sa kaniyang Instagram account, ipinakita ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach ang litrato nila ni Catriona saka sinabing “this girl is on fire”.

Shinare naman ni Charlene Gonzales, dating kinatawan ng bansa sa 1994 Miss Universe, ang litrato kung saan ay makikitang kinokoronahan si Catriona at may caption pa na: “we are so proud of you!!! You are amazing!!!”


Ipinagmalaki din ni 2017 Miss Universe-Philippines Rachel Peters si Catriona at ibinahagi nito sa kaniyang post na “our girl brought the crown home for the Philippines!!”

Bukod dito, viral na din sa social media ang mga video kung saan makikita dito ang celebration ng mga Pinoy all around the country ng i-announce ni Steve Harvey ang pagkapanalo ni Catriona.
Samantala, nag-enjoy naman ang lahat ng empleyado ng RMN sa katatapos lamang na Christmas party na may temang: RMN goes retro.

Muling nagsama-sama bago matapos ang taon mula sa RMN Head office, iFM 93.9 Manila at DZXL 558.

Itinanghal na King and Queen of the Night sina Rod Marcelino at Grace Mariano habang nanalo naman sa group presentation ang iFM na sinundan ng DZXL at RMN Head office

Facebook Comments