IKINATUWA | Mga militanteng grupo, tinawag na ‘Welcome development’ ang pag-apruba sa panukalang pahabain ang maternity leave with pay

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Kilusang Mayo Uno ang pagkakapatibay sa ikalawang pagbasa ng House Bill 4113 na may layuning pahabain ang maternity leave with pay ng hanggang isandaang araw mula sa kasalukuyan animnapung araw.

Sa ilalim ng panukala, makikinabang ang mga kababaihang manggagawa sa pribado at gobyerno anuman ang kanilang marital status at delivery process sa pagsilang ng sanggol.

Kasabay nito, umapela naman si KMU Secretary General Jerome Adonis sa Senado na magpasa ng katapat na bersyon ng panukala.


Binigyang diin ng labor group na lahat dapat ng women workers ay makikinabang sa benepisyong ito sa oras na maging ganap na batas mapa-regular man o kontrakwal ang kanilang status sa trabaho.

Ang House Bill 4113, ay consolidation o pagsasama ng labinlimang related measures na inihain sa House of Representatives ng mga Kongresistang kasapi ng Makabayan bloc (Bayan Muna, Gabriela Women’s Party, Anakpawis, ACT Teachers Party-list).

Facebook Comments