IKINATUWA PA | Faeldon, masaya sa paglilipat sa Pasay City Jail

Manila, Philippines – Pabor pa kay Captain Nicanor Faeldon ang paglilipat sakaniya sa Pasay City Jail ngayong tanghali. Ito ang sinabi ni Atty. Jose Diño, tagapagsalita ni Faeldon.

Ang sabi daw kasi ni Faeldon sakaniya, “He is with his own kind”, ibig sabihin, kasama niya ang mga kapwa niya nakadinite.

Dahil kung ikukumpara raw sa Senado, bukod sa sobrang higpit sa dalaw ay pagkatapos ng visitation hours ay mag-isa na naman si Faledon.


Sa katunayan ayon kay Diño, excited pa daw si Faeldon kaninang umaga kung saan pumalo pa sa 130/100 ang blood pressure nito.

Kaya’t tiyak niya na magiging mas masaya si Faeldon dito kumpara sa Senado.

“We expect na talaga pong magiging napakasaya ni Captain Faeldon dito.” – Atty. Jose Diño, tagapagsalita ni Faeldon.

Sa usapin naman ng selda ni Faeldon, bagamat maliit, kontento, at wala raw reklamo dito si Faeldon.

Nagpasalamat pa ang kaniyang kampo, sa BJMP at pamunuan ng Pasay City Jail, sa maayos na pagtanggap sa kaniya.

Facebook Comments