IKINATUWA | Pag-apruba ng Kamara sa panukalang paglalaan ng pondo para sa mga nabakunahan ng Dengvaxia, ikinalugod ng DOH

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Department of Health (DOH) ang pag-apruba ng House Committee on Appropriations sa panukalang P1.26 billion na pondo para sa mga nabakunahan ng Dengvaxia.

Ang nasabing halaga ay mula sa isinauling kabayaran ng Sanofi Pasteur para sa nalalabing suplay ng Dengvaxia vial.

Tinukoy ng DOH na 81-percent ng pondo ay gagamitin para sa medical assistance program ng Dengvaxia- vaccines; 13-percent naman ay para sa public health management at 6-percent ay para sa health development.


Ang Health Assistance Fund na paglalaanan ng mahigit 900-million pesos ay para sa mga nabakunahan ng Dengvaxia na magkakasakit at kailangang ma-confine sa ospital o magpakonsulta sa doktor.

Para naman sa Public Health Management, kukuha ang DOH ng kabuuang 1,250 nurse para magsagawa ng profiling, pag-monitor, pagpapakalat ng impormasyon at para sa koordinasyon ng lahat ng mga nabakunahan.

Facebook Comments