Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Malacañang ang pahayag ng Kamara na susundin nila ang gusto ni Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin ang road board.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo – mabuti at nauunawaan ni House Majority Leader Rolando Andaya Jr. ang posisyon ng Pangulo sa isyu.
Una rito, tinawa ni Andaya na out of touch sa insyu ng road board sina Panelo at Budget Sec. Benjamin Diokno.
Iginiit din nito ayaw ng Pangulo na buwagin ang road board base sa kanilang pag-uusap.
Pero ayon kay Pangulong Duterte, marahil ay hindi siya naintindihan ni Andaya na gusto na niyang lusawin ang road board dahil pinagmumulan lamang ito ng korapsyon ang road user’s tax.
Samantala, ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon – hindi na kailangan ng endorsement mula sa KAMARA para i-abolish ang road board dahil sapat na ang utos ng Pangulo.