Manila, Philippines – Welcome sa Malacañang ang naging desisyon ng Department of Justice (DOJ) na kasuhan sina suspected drug lords Kerwin Espinosa at Peter Co.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ikinalulugod ng Palasyo na papanagutin ng DOJ ang mga drug lords.
Ang nasabing kaso na isinampa ng PNP-CIDG ay unang dinismis ng mga dating DOJ panel of prosecutors na humawak dito.
Dahil dito, bumuo ang justice department ng panibagong panel na nagsagawa ng review sa nasabing kaso.
Samantala, pagtitiyak naman ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde, na makikipagtulungan sila sa DOJ at ibibigay ang lahat ng mga dokumento at ebidensya para pagtibayin ang kasong isasampa laban sa grupo ni Espinosa.
Facebook Comments