IKINATUWA | Pagsuko ng recruiter ni Demafelis, welcome sa Malacañang

Manila, Philippines – Umaasa ang Palasyo ng Malacanang na magkakaroon na ng linaw ang kaso ni Joana Demafelis na natagpuang patay sa Kuwait matapos sumuko kagabi sa Philippine National Police (PNP) ang sinasabing recruiter nito.

Nasa kamay na kasi ngayon ng Criminal Investigation and Detection Group ng PNP ang sinasabing recruiter na si Agnes Tuballes.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, isang magandang hakbang ang ginawa ni Tuballes dahil kung hindi ito sumuko ay tiyak na hahanapin na ito ng National Bureau of Investigation.


Sinabi ni Roque na mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na kasi ang nagutos sa NBI na huntingin na ang recruiter ni Demafelis para malaman ang kwento nito.

Facebook Comments