IKINATUWA | Pagtaas ng satisfaction ratings ng Kamara, dahil umano sa ‘workaholic attitude’ ng mga kongresista

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng liderato ng Kamara ang pagtaas ng overall net satisfaction ratings ng Mababang Kapulungan sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Gloria Arroyo.

Sa latest SWS survey tumaas ng 11% o +36 ang net satisfaction rating ng House of Representatives mula sa +25 noong June 2018.

Ayon kay House Majority Leader Rolando Andaya Jr., ang pagtaas ng ratings ng Kamara ay dahil sa ipinamalas na kasipagan at workaholic attitude ng mga mambabatas.


Isinantabi din aniya ng Kamara ang kanilang mga kinabibilangang partido para maipasa ang mga panukalang batas na makakapagbigay ng benepisyo sa ating bansa.

Dagdag pa nito, hindi aniya nagpupuyat at nagsisipag ang mga kongresista para tumaas ang kanilang survey ratings kundi ito ay dahil bahagi ng kanilang trabaho.

Bonus na lang aniya kung titingnan ng mga tao sa positibo ang kanilang pagsisipag sa Kongreso at nangako na lalo pa nilang aayusin ang pagtupad sa kanilang tungkulin.

Facebook Comments