Manila, Philippines – Ikinatuwa ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go ang pagtugon ng kanyang mga supporter sa kanyang panawagan na baklasin ang kanyang mga Billboard.
Ito ang sinabi ni Go sa harap narin ng pagbaklas ng malaking billboard sa North Luzon Express way na ipinagawa ng isang Christine Yu na nagpakilalang matagal nang supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Yu, anomang personal funds na kanilang hawak ay ibabahagi nalang nila sa mga mahihirap at nangangailangan tulad narin ng panawagan ni Go.
Sinabi ni Secretary Go, nagpapasalamat siya sa pagtugon sa kanyang panawaganat umaasa aniya siya na marami pang susunod nang sa ganon ay marami pa ang makatulong sa mga mahihirap.
Nagpasalamat din naman si Go sa mga supporters ni Pangulong Duterte na patuloy na naniniwala sa Administrasyon.
Muli namang nanawagan si Go sa mga supporters na baklasin ang kanyang mga billboards at tumulong nalang sa mga mahihirap dahil hindi naman siya kandidato at nagtatrabaho lang siya alinsunod narin sa utos ni Pangulong Duterte bilang pagtupad mandato na ibinigay sa kanya ng taumbayan.