Manila, Philippines – Ikinatuwa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pormal na pagtatapos ng Korean war.
Ito ay kasabay ng muling pagyabong ng relasyon ng North at South Korea.
Ayon kay Duterte, na naging idolo na niya sa North Korean Leader Kim Jong-Un dahil mula sa tila pagiging ‘bad boy’ ay naging bayani ito.
Dagdag pa ng Pangulo, kapag nagkita sila ni Kim ay personal niya itong babatiin.
Naniniwala si Duterte na dahil dito ay bumaba na ang tensyon sa Korean peninsula at maaring hindi na mauwi sa walang saysay na digmaan.
Facebook Comments