Manila, Philippines – Ikinalugod ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang pansamantalang pamumuno ni Senior Associate Justice Antonio Carpio sa Korte Suprema.
Si Carpio ang magsisilbing Acting Chief Justice matapos mapwersa si Chief Justice Maria Lourdes Sereno na maghain ng indefinite leave of absence.
Sa isang statement na pirmado ni IBP National President Abdiel Dan Elijah Fajardo, inihayag ng grupo na kilala si Carpio sa pagiging patas nito at mahusay na jurist.
Si Carpio rin aniya ang pinakamainam na pansamantalang mamumuno sa hudikatura.
Facebook Comments