Manila, Philippines – Ikinatuwa ng palasyo ng Malacañang ang positibong pagkilala ng United Nations at ng European Union sa pagkakapasa bilang batas ng Bangsamoro Organic Law o BOL.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, nakikiisa ang Pilipinas sa buong mundo sa pagdarasal na ang bol ay magbibigay daan sa pagkakaroon ng tunay at pangmatagalang kapayapaan sa mindanao.
Matatandaan na sinabi ni UN Secretary General Antonito Guterres na isang malaking hakbang ang pagsasabatas ng BOL para sa kapayapaan para sa Mindanao at binati din nito ang pamahalaan pati na ang Moro Islamic Liberation Front at ang Bangsamoro transition commission sa matagumpay na magsusulong ng batas.
Tiniyak din ni Guterres na magpapatuloy ang suporta ng UN sa Pilipinas lalo na sa pagpapatupad ng BOL at magiging bahagi ng pagkakaroon ng mapayapang komunidad, democratic governance at pagtataguyod ng karapatang pangtao.