Welcome development para sa Commission on Human Rights (CHR) ang naging report ng House Committee on Human Rights na kaugnay ng isyu ng secret detention cell sa Raxabago Police Station 1 ng Manila Police District (MPD).
Ayon kay CHR spokesperson Jacqueline De Guia, ikinagalak nila na pinatibayan ng komite ang kanilang unang pahayag na mayroong secret detention cell.
Itinuturing ng CHR na isa itong pagkilala sa independence at sa mandato ng ahensya a protektahan ang human rights ng lahat.
Aniya, magagamit nila ngayon ang ang committee report para palakasin ang kanilang isasampang mga kaso sa Ombudsman laban sa mga sangkot na police officers.
Nauna nang idineklara ng Internal Affairs Service ng Philippine National Police (PNP) na walang secret detention cell sa MPD.
Inabswelto na rin noon ang mga police officers sa mga bintang ng human rights violation.