IKINATUWA | Sen. Recto, Pimentel – pinuri ang napipintong pagbalik ng Balangiga bells

Manila, Philippines – Ikinatuwa nina Senate President Pro Tempore Ralph Recto at Senator Koko Pimentel ang napipintong pagbalik sa Pilipinas ng Balangiga Bells.

Magugunitang sa State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte ay iginiit niya sa Amerika na ibalik ang Balangiga Bells na tinangay ng mga sundalong Amerikano noong 1900.

Diin ni Recto, ang Balangiga Bells ay alaala ng tapang ng mga Pilipino at ang tunog nito ay nagpapahayag ng ating kalayaan.


Masaya din si Pimentel dahil sa wakas ay mabibigyang katuparan na ang panawagan niya at ng kanyang ama na si dating Senate President Nene Pimentel na mabawi natin ang Balangiga bells.

Para kay Pimentel, ang pagsauli sa atin ng Balangiga Bells ay makabubuti sa relasyon ng Pilipinas at America.

Facebook Comments