Manila, Philippines – Nagpahayag ng pagkagalak ang mga obispo mula sa Mindanao sa muling pagbuhay sa usaping pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at mga rebeldeng grupo.
Ayon kay Ozamiz Archbishop Martin Jumoad, wala naman talagang ibang paraan upang makamit ang kapayapaan kung hindi sa pakikipagnegosasyon at maayos na usapan.
Sinegundahan ito ni Marawi Bishop Edwin Dela Peña, kung saan sinabi nito na ang pagbuhay sa peace talks ay panimulang hakbang tungo sa pagsulong.
Matatandaang noong nakaraang linggo, ipinagutos muli ng Pangulo na ipagpatuloy ang pakikipag-diyalogo sa mga rebeldeng grupo.
Facebook Comments