IKINUWENTO | Neri Naig, ibinahagi sa social media ang nangyaring pambu-bully sa anak nila ni Chito Miranda

172

Manila, Philippines – Talk of the town ngayon ang dating artista na si Neri Naig matapos na mag-post tungkol sa nangyaring bullying sa kanilang isang taong gulang na anak ni Chito Miranda.

Sa nasabing post, ikinuwento ni Neri na may isang classmate ang anak na si Miggy na bigla na lamang siyang hinampas sa ulo habang naglalaro at kumakain ng chocolate kasama ang isa pang kaibigan.

Tatlong taong gulang daw ang nanghampas sa kanyang anak kung saan kinausap daw ni Neri ang lolo ng bata, na nagsisilbing guardian ngunit isinisi raw nito sa teacher ang insidente dahil hindi raw nabantayan nang husto ang kanyang mga estudyante.

Sinabihan tuloy ni Neri ang lolo na kung siya nga ay hirap alagaan ang apo niya, yung teacher pa kaya na maraming bata ang binabantayan.

Ayon pa kay Neri, hindi lang ang anak niya ang nasaktan ng bata kundi pati raw ang iba pang mga kaklase nito.

Nagalit din daw si Chito sa nangyari at sinabihan siyang tama ang ginawa niyang pagkausap sa guardian ng bata.

Facebook Comments