Katotohanan. Katarungan. Katwiran.
‘Yan ang sigaw ng mga supporter ng pinawalang bisa na bise alkalde ng Rosales, Pangasinan na si Vice Mayor Isaac Kho, matapos ang peace rally na isinagawa kahapon, December 17, sa Freedom Park sa bayan.
Sa naging pagtitipon, panawagan ng mga supporter na ilabas ng COMELEC ang ‘authentic votes’ ng bayan noong nakaraang eleksyon upang mapatunayan na lahat umano ng ni-recount na boto ay tama at totoong boto.
Nasa higit isang libong boto umano ang bumaliktad sa isinagawang recount nang walang paliwanag.
Dahil dito, kwestyonable umano ang credibility ng nakaraang halalan.
Giit ng mga dumalo na huwag gawing bulag ang taumbayan sa mga ganitong insidente dahil nakakaapekto ito sa magiging pananaw ng mga susunod na henerasyon.
Si Rosales Vice Mayor-Elect Isaac Kho ang ipinroklamang nanalo sa nakalipas na 2025 Midterm Elections ngunit napawalang bisa matapos ang electoral protest na inihain ng kanyang nakatunggali na si Susan Casareno at base sa naging recount ng boto kung saan natalo si Kho.
Tinabla ng mosyon na inihain ng kampo ni Kho ang mosyon ng katunggaling partido na itigil ang pagpapatupad ng ruling ng korte para sa posisyon ng pagkabise-alkalde sa bayan ng Rosales. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









