ILAGAN CITY MAYOR JAY DIAZ, NANGUNA BILANG TOP PERFORMING MAYOR SA ISABELA

Cauayan City – Nanguna bilang Top Performing Mayor sa probinsiya ng Isabela ang alkalde ng City of Ilagan na si Mayor Jay Diaz.

Ito ay base sa isinagawang December 2024 Social Pulse Survey ng Social Pulse Philippines kung saan ang resulta ay nagmula 2000 respondents.

Nanguna sa listahan si Ilagan City Mayor Jay Diaz na nakakuha 95.6% na sinundan naman ng alkalde ng Angadanan na si Mayor Joelle Panganiban na nakakuha naman ng 94.3%.


Pumangatlo naman sa listahan si Cauayan City Mayor Caesar “Jaycee” Dy Jr., na nakakuha ng 94.1%, pang-apat si Mayor Isis Uy ng Burgos, Isabela na nakakuha ng 93.6%, habang ikalima sa listahan si Cabagan Mayor Christopher Mamauag na nakakuha naman ng 92.2%.

Pasok rin sa Top 10 sina Mayor Dok Totep Calderon ng Roxas, Mayor Edgar Go ng San Mariano, Mayor Juan Capuchino ng Naguilian, Mayor Venus T. Bautista ng Tumauini, at Mayor Arnold Edward Co ng Delfin Albano, Isabela.

Facebook Comments