ILAGUEÑO, NAKINABANG SA DULOG AT DINIG CARAVAN

CAUAYAN CITY – Naging matagumpay ang inilunsad na serbisyo caravan ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Ilagan.

Ang programang Dulog at Dinig ay pinangunahan ni Mayor. Jay Diaz kasama ang iba pang kawani ng LGU.

Isinagawa ito sa mga barangay ng Capellan, San Pablo, Quimalabasa, at San Lorenzo na kung saan libo-libong residente ang nakibahagi at nabenepisyuhan.


Kabilang sa mga serbisyong tinanggap ng libre ng mga benepisyaryo ay libreng dental, medical, legal, supplemental feeding sa mga bata, pamamahagi ng vegetable seedlings, at marami pang iba.

Maliban dito, pinangasiwaan din ni Mayor Diaz ang pag-iisang dibdib ng nasa 15 magkasintahan.

Ang programang ito ay may layuning maiparating sa mga mamamayan lalo na sa mga malalayong barangay ang mga libreng serbisyo ng LGU.

Facebook Comments