ILALAAN | Free-internet WIFI service, ilalagay sa mga State Universities and Colleges sa susunod na taon

Manila, Philippines – Maglalaan ang gobyerno ng P280 Million na free-internet WI-FI service sa mga state universities and colleges sa oras na maipagpatuloy ang budget hearing sa pagbubukas ng sesyon sa Agosto 28.

Ayon kay Appropriations Committee member, Makati Rep. Luis Campos, aabot sa 114 SUCs ang lalagyan ng libreng internet wi-fi connectivity.

Ang free-internet wifi service sa mga SUCs ay password-free para mas madali sa mga estudyante na makagawa ng kanilang mga aralin at mga research.


Makakatulong din umano ito sa mga kolehiyo at unibersidad na nasa probinsya na hindi pa ganoon ka-abot ng teknolihiya.

Inaasahan naman na 1.3 million na mga estudyante ang makikinabang sa proyekto ng Department of Information and Communications Technology.

Facebook Comments