ILALABAN│Kamara, makikipagmatigasan sa bicam sa budget

Manila, Philippines – Nakahandang makipagmatigasan ang Kamara sa Senado para ilaban ang sariling bersyon ng 2018 budget.

Ito ay dahil sa ilang mga contentious issues na hindi pa mapagkasunduan ng dalawang Kapulungan sa pagsisimula ng bicameral conference committee para sa 3.7 Trillion na budget sa susunod na taon.

Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, hindi bibigay ang Kamara kahit pa maging dahilan ito para hindi pumasa ang 2018 budget at humantong sa reenacted budget o sa orihinal na bersyon na isinumite ng Malacañang.


Nagkasundo na umano silang mga kongresista na ilaban ang bersyon ng Kamara sa budget.

Kabilang naman sa mga contentious issues sa 2018 budget ang pagpapakaltas ni Senador Panfilo Lacson na 50 billion sa pondo ng right of way sa ilalim ng DPWH budget gayundin ang 900 million na pinanatili ng Kamara sa Oplan Double Barrel ng PNP pero inalis ng Senado at inilipat para sa housing program para sa mga pulis at sundalo.

Sakali mang hindi talaga magkasundo ang Kamara at Senado, tiyak umanong mauuwi sa reenacted ang 2018 budget.

Facebook Comments