ILALABAS NA | Mga modernong jeepney, gugulong na sa mga kalsada – LTFRB

Manila, Philippines – Inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na sa loob ng isa’t kalahating buwan ay gugulong na sa kalsada anga bago at modernong jeepney.

Iniulat ni Atty. Aileen Lizada, LTFRB board member na natanggap na ng ahensya ang kauna-unahang aplikasyon sa Certificate of public covenience to operate mula sa Pasang Masda Jeepney Drivers and Operators service INC. na pinamumunuan ni Obet Martin.

Ayon kay Lizada, nasa 60 jeepney ang unti unting ilalabas sa mga lansangan para mapakinabangan ng riding public.


Mula sa 60 units, labing liman rito ay ilalagay sa rutang SM Masinag, Antipolo hanggang SM Fairview via Batasan Hills.

Ang pag arangkada ng Public Utility Vehicle Modernization Program ay magbibigay daan sa pagrereporma sa lahat ng aspeto ng public transportation industry.

Ito ay mula sa pagpapanibago ng public transport routes, partisipasyon ng Local Government Units sa transport planning, pagpapatupad ng vehicle emission and safety standards and policies.

Sa ilalim nito, ang Stakeholder ay makikinabangan sa support programs ng gobyerno kabilang ang financing packages para sa pagpapalit ng lumang jeepney units, pagkaloob ng capacity building sa fleet operations .

Facebook Comments