Manila, Philippines – Ilalabas ng Philippine Postal Corporation (PhilPost) ang commemorative stamp kasabay ng ika-120 anibersaryo ng Philippine Independence sa June 12.
Tampok sa commemorative stamp ang kulay ng watawat ng Pilipinas.
Makikita rin sa selyo ang mga Pilipinong iwinawagayway ang bandila at ang bolo na ginamit sa rebolusyon laban sa mga mananakop.
May imahe rin ito ng araw at tatlong bituin na sumisimbolo sa kalayaang ipinaglaban ng mga Pilipinong rebolusyonaryo.
Ang commemorative stamp ay idinisenyo ng graphic artist na si Rodine Teodoro.
Ibebenta ang selyo sa halagang 12 piso kada piraso.
50,000 kopya lamang ng stamp ang ilalabas ng PhilPost sa araw ng kalayaan.
Maaring ma-avail ang mga commemorative stamps sa central post office sa Liwasang Bonifacio, Maynila at sa ilang piling post offices sa buong bansa.