ILALATAG NA | Bagong executive order kontra kontraktwalisasyon, inihahanda na ng DOLE

Manila, Philippines – Inihahanda na ng Department of Labor and Employment o DOLE ang bagong Executive Order para wakasan ang End of Contract o kontraktuwalisasyon.

Ito ang tiniyak ni Labor Secretary Silvestre Bello III matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na niya kakayaning tuparin ang pangako niyang tapusin ang kontraktuwalisasyon.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ilalatag nila ang bagong draft ng EO sa labor groups sa isang pulong sa Marso.


Aniya, patuloy silang bubuo ng mga panuntunan para tapusin ang kontraktuwalisasyon ng mga manggagawa.

Facebook Comments