Ilang mga undocumented OFWs sa UAE, humahabol pa sa repatriation bago ang December 31 deadline

Ilan pang undocumented Overseas Filipino Workers o OFWs sa United Arab Emirates ang humabol makauwi ng Pilipinas sa harap ng nalalapit na deadline ng UAE government.

23 OFWs ang pinakahuling dumating sa bansa matapos mag-avail ng amnesty program doon.

Sila ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA 1 sakay ng flight PR659 ng Philippine Airlines.


Ayon sa OWWA, ang mga umuwing undocumented OFW ay hindi nagbayad ng walang multa o penalty dahil sila ay nag-avail ng amnesty program.

Sa Martes, December 31 ang deadline ng UAE government sa kanilang crackdown operation sa mga dayuhan na iligal na naninirahan at nagtatrabaho sa nasabing bansa.

Facebook Comments