Ilan pang ahensya, nakatanggap ng dagdag na pondo sa 2022

Ilan pang ahensya ng pamahalaan ang dinagdagan ng pondo ng Kamara para sa susunod na taon.

Bukod sa Department of Health (DOH), nadagdagan ng budget sa 2022 ang Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa amyendang ginawa ng small committee na pinangunahan ni Appropriations Committee Chairman Eric Yap, binigyan ng karagdagang P10 billion ang DOLE.


Ang karagdagang pondo ay para sa Tulong Pangkabuhayan sa Ating Disadvantaged or Displaced Workers Program (TUPAD) kung saan prayoridad ang indigent families, informal sector families, at sunod sa lower poverty level na tinukoy ng DSWD.

Dinagdagan rin ng P10 billion ang para sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa ilalim ng DSWD.

Kabilang dito ang para sa food assistance, food packs, transportation, medical, burial assistance, assistance to students, cash/food for work at iba pang pantulong sa mga indibidwal, sektor at komunidad sa panahon ng kagipitan.

May isang bilyong pisong alokasyon din para sa Sustainable Livelihood Program (SLP) kung saan maaaring pumili ang mga kwalipikadong household beneficiaries na mag-enroll sa Micro-Enterprise Development o Employment Facilitation sa pamamagitan ng technical at vocational skills training.

Facebook Comments