Ilan pang barangay sa Mandaluyong, isasailalim sa total lockdown kahit tapos na ang ECQ

Ilan pang barangay sa Lungsod ng Mandaluyong ang nakatakdang isailalim sa total lockdown.

Ito ay kahit abutan sila ng pagtatapos ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa May 15.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Mandaluyong PIO Officer Jimmy Isidro na pinaplano nang isunod ng LGU ang Barangay Mauway.


Samantala, bukas na magsisimula ang isang linggo total lockdown sa Barangay Addition Hill, ang barangay na may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa buong lungsod at sa buong Pilipinas.

Tuluy-tuloy din ang pamamahagi ng LGU ng 32,500 family food packs sa mga residenteng sakop ng lockdown.

Facebook Comments