
Matagumpay na na-repatriate ang ilan pang grupo ng mga manggagawang Pilipino kabilang ang batch ng Filipino Seafarers mula Fiji na diumano’y nakaranas ng hindi patas na pagtrato sa kanilang employer, at mga OFWs mula Kuwait.
Lumapag sa NAIA Terminal 3 ang siyam na seafarers mula Suva, Fiji sakay ng Flight SQ914 bandang kasunod ang anim pang seafarers sakay ng Flight CX901.
Ayon sa OWWA, nakauwi na rin sa bansa ang limang OFWs mula Kuwait sakay ng Flight GF154 at 12 OFWs mula naman Riyadh sakay ng Flight SV862.
Pagdating sa bansa, agad silang sinalubong ng OWWA at DMW at nabigyan ng airport assistance, financial aid, pagkain, transportasyon, at pansamantalang matutuluyan.
Patuloy na isinusulong ng DMW at OWWA ang mabilis na pagtugon at tulong para sa kapakanan ng ating mga OFWs.









