Ilan pang Indian nationals na sangkot sa notorious lending business, dinakip ng Bureau of Immigration

Muling nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga illegal alien sa bansa kasunod ng pagkakadakip sa limang Indian nationals na iligal na nagne-negosyo sa bansa.

Kinilala ang Indian nationals na sina Darshna Devi, Gurbhej Singh Toor, Lovepreet Singh Waring, Amarjit Singh Toor at Sukhmander Singh.

Ang limang dayuhan ay bigong magprisinta ng kanilang dokumento na magpapatunay na ligal ang kanilang paninirahan sa bansa.


Ayon kay Morente, nag-isyu ng mission order ang BI matapos makatanggap ang immigration ng reklamo hinggil sa notorious na “5-6” lending business o pagpapautang nang may 20 percent na interest.

Nakapiit na ang mga suspek sa BI Detention Facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City habang hinihintay ang kanilang deportation.

Facebook Comments