Ilan pang kompanya ng langis, nagpatupad na rin ng oil price rollback ngayong araw

Nag-anunsyo na rin ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ang ilan pang kompanya ng langis.

 

Nasa P0.90 na tapyas sa kada litro ng gasolina ang ipatutupad ng shell at seaoil habang P0.80 naman sa diesel at kerosene.

 

Epektibo ang oil price rollback ng shell sa Martes, May 7 habang ngayong araw naman ang sa Seaoil.


 

Ngayong araw din epektibo ang bawas-presyo ng Petro Gazz, piso sa gasolina at P0.80 sa diesel.

 

Habang nauna nang nagpatupad ng kaparehong rollback ang Phoenix Petroleum kahapon.

Facebook Comments