Ilan pang kongresista, nanawagan na ibigay sa PDEA ang 900 double barrel funds ng PNP

Manila, Philippines – Hiniling na rin ni House Committee On Dangerous Drugs Chairman Robert Ace Barbers sa House Appropriations Committee na ilipat ang oplan double barrel budget ng pnp para sa 2018 sa pondo ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Nagpadala ng liham so Barbers kay Appropriations Chairman Karlo Nograles na nagrerekumenda na ibigay sa PDEA ang 900 million na Oplan Double Barrel budget ng PNP pandagdag sa operating funds ng PDEA.

Maaari pang ilipat ng Kamara ang alokasyong ito kapag sumapit na sa bicameral conference committee ang 3.7 Trillion 2018 national budget.


Katwiran ni Barbers, ang PDEA na ang nasa forefront ng laban sa droga base sa derektiba ni Pangulong Duterte kaya dapat bigyan ito ng suporta ng buong kongreso.

Mas malaki ang tsansang magtagumpay ang PDEA sa kampanya sa iligal na droga kung may dagdag na pondo ito.

Facebook Comments