Ilan pang kongresista, nanawagan na isabatas na ang Department of Disaster Resilience (DDR)

Nadadagdagan pa ang mga kongresista na nanawagan sa tuluyang pagapruba at pagsasabatas sa Department of Disaster Resilience (DDR).

 

Ayon kay Tingog Partylist Rep. Yedda Marie Romualdez, ang bagsik ng kalikasan ay paalala sa atin na kailangan nang lumikha ng strategic at systematic na approach para sa disaster prevention, mitigation, preparedness at response.

 

Naniniwala si Romualdez na isa sa pangunahing may-akda ng DDR sa Kamara na ang pag-aalburuto ng Bulkang Taal ay palatandaan na para madaliin ng Kongreso ang pagsasabatas dito.


 

Samantala, nanawagan na rin si Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo sa Malakanyang na sertipikahang urgent ang DDR sa lalong madaling panahon.

 

Iginiit ng kongresista na ngayon mas kailangan ng bansa ng ‘super body’ na haharap para tugunan sa disaster preparedness, response and rehabilitation sa bawat kalamidad na nangyayari sa bansa.

Facebook Comments