Ilan pang lalawigan, nakakaranas din ng water shortage ayon sa local water utilities administration

Bukod sa ilang lugar sa Metro Manila at Rizal at ilang lalawigan din ang nakararanas ngayon ng water shortage ayon sa Local Water Utilities Administration (LWUA).

 

Kabilang dito ang Ilocos Norte, Tuguegarao, Kidapawan, Sibugay at Zamboanga.

 

Ayon kay LWUA Administrator Jeci Lapus,  87 percent ng water supply sa mga nabaggit na lugar ay kinukuha nila sa mga deep well.


 

Kaugnay nito, umapela si lupus sa mga ahensya ng gobyerno na magkasundo sa paghahanap ng solusyon sa nangyayaring krisis sa tubig.

 

Samantala, simula kahapon, nanatili sa 68.62 meters ang antas ng tubig sa La Mesa Dam.

 

Habang nasa 196.70 meters naman ang water level sa Angat Dam na mas mababa kumpara sa 197.11 meters kahapon.

Facebook Comments