Ilan pang lalawigan sa Luzon, iikutin ngayong araw nina SP Sotto at Sen. Lacson

Tuloy ngayon ang “Tour of Luzon” na sinimulan kahapon nina Senate President Tito Sotto III at Senator Panfilo Ping Lacson.

Kahapon ay nagsimba sila sa Barasoain Church sa Malolos na nasundan ng consultative meeting nila sa mga local officials sa Bulacan, Zambales at Tarlac.

Ngayong araw naman ay magtutungo sa Pangasinan at La Union sina SP Sotto at Lacson.


Sila ay nagsasagawa ng konsultasyon sa mga Local Government Unit (LGU) para alamin ang kanilang kalagayan sa kanilang mga nasasakupan at humingi ng mga rekomendasyon para sa post COVID-19 recovery plan ng gobyerno.

Ang paglilibot sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay paraan din nina SP Sotto at Lacson para makuha ang pulso ng mamamayan kung itutuloy ang plano nilang tumakbo sa 2022 elections.

Bagama’t wala pang linaw, balak ni Lacson na kumandidato bilang pangulo at ang kanyang vice presidential candidate ay si Sotto.

Facebook Comments