Nasa low risk na rin ng COVID-19 ang ilang lugar sa bansa maliban sa Metro Manila.
Ayon sa OCTA Research Team, kabilang dito ang Rizal, Cavite, Bulacan, Batangas at Davao City.
Bumaba na ang healthcare utilization rate sa nasabing mga lugar.
Samantala, nasa very lowest category na ang Cebu City kung saan 0.43 ang reproduction number o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa lungsod.
Facebook Comments